Friday, January 27, 2012

(Photos are not mine. Photos are from google images)

Gusto ko nito. Buong linggo ko na yatang craving ang siopao ng Ma Mon Luk.

I grew up as a child eating one of the best siopao in NCR. Mechanic kasi si Papa so, minsan pag wala yung mga piyesa ng sasakyan na ginagawa niua sa mga bilihan around our area, dumadayo pa siya sa Banawe. Yun yung area na madaming bilihan ng parts ng kotse. Malapit na doon ang Ma Mon Luk, laging dumadaan dun si Papa tapos, uuwian niya kami nitong masarap na siopao na ito. May kamahalan ang siopao na yan pero sulit naman sa laki at sarap.

First and so far the last time I ate at Ma Mon Luk was last year nung nag-duty kami sa POC (Philippine Orthopedic Center). Quezon Ave. lang ang pagitan ng Ma mon Luk at ng terminal ng jeep papuntang POC. One time, nag-uwi naman niyan ang tito ko, kulang. Naghati pa kasi kami ni Mama at Papa. Tatlo kaming naghati sa isang siopao. Tapos nito lang sabi ni Papa, pupunta siyang Banawe, sabi ko ibili ako pero yung siopao lang sa kanto ang ibinili niya sa akin. T_T

Gusto ko nito, tapos Milk Tea. :)

(Source: images.google.com.ph)

Notes

  1. ampulesandvials posted this